ATBP | Kapit.

Isa. Dalawa. Tatlo… teka, hinto na muna ako rito. Hindi nakakapagod ang magbilang o makinig sa pagtiktak ng orasan; nakakapanghina lang na sa bawat paggalaw ng mga kamay ng oras, unti-unting lumalapit sa iniiwasang wakas.

Apat. Lima. Anim… at dahan-dahan nang magtatago ang araw para magbigay-daan sa dilim. Susulitin ang natitirang liwanag; kakalimutan ang sakit; pipiliin na manatili sa piling mo hanggang sa huling saglit.

Pito. Walo. Siyam… pwede bang hanggang dyan na lang? Dahil pareho nating alam na ang hirap nang lumaban sa alam nating wala nang pupuntahan. Ang hirap kumapit dahil alam nating anomang oras, kailangan din nating bumitaw sa nag-iisang dahilan na tinatanggap natin ang bawat hampas.

Sampu… ito na kaya ang dulo? Baka hindi dahil siguradong may kasunod pa ang huling hampas na ‘to.

– A

Advertisements

One Comment Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s