KALYE X MANILA | Ayaw Ko, Beh!

Lakbay Xiomai | Kalye X Manila - Jan 2016 - Ate Tess
Fujifilm X100 | Pasig City Jan 2016

Ito si Ate Tess, isang carinderia servidora.

Tinanong ko s’ya kung pwede ko s’yang kuhanan ng picture. Tumawa lang s’ya at tinanong ako kung seryoso ako. Sabi ko, “Oo.”

Noong nakita na n’ya ang camera ko, paulit-ulit na s’yang tumanggi.

“Ayaw ko. Ayaw ko, beh,” sabi n’ya habang tumatawa at may pahampas-hampas pa sa akin. Minsan pa nga ay nagtago sa likod ko.

“Sige, talikod ka na lang, Ate,” huling pilit ko pa at natatawa na rin ako kasi nagtatago na s’ya sa likod naman ng gate ng carinderia. Ang totoo, okay na sa akin na hindi s’ya magpakuha ng picture kasi ayaw naman n’ya. Pero maya-maya lang, pumunta na s’ya sa harap ng mga panindang ulam at nag-ayos ng damit at buhok. Kaya madali kong inangat ang camera at dali-daling pumitik. Humirit muna ako, “Kahit sideview naman d’yan, ‘Te.” Ayan, ayan na ang sideview n’ya. Hehe.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s