TALA-LARAWAN | Usapang X

So, last week, bumili ako ng Fujifilm X30 at gaya ng sabi ko sa entry ko tungkol dito, iba sana ang kukuhanin ko. Makalipas ng isang araw, binenta ko rin yung Fujifilm X30 para makakuha ng Fujifilm X100 na gusto kong bilhin talaga.

Lakbay Xiomai - Fujifilm X100
Wala naman akong masamang tinapay against Fujifilm X30. Actually, maganda na nga yung deal ko sa unit na nabili ko kasi halos bagong-bago pa at saka ang daming inclusions–kumabaga eh *sulit na sulit ako* sa presyo nito. Pero mas trip ko yung retro look and feel ng Fujifilm X100. Saka almost fully manual ito. Wala masyadong panggulong presets. Haha! Matanda na kasi ako para sa mga ganun. Wahaha! Pero, seryoso, mas naging masaya ako nung nakuha ko yung X100 kaysa noong nahawakan ko yung X30. Although halatang bugbog na yung unit kumpara sa X30 na nakuha ko, ayos lang kasi alam kong totoong masaya ako sa nakuha ko at hindi dahil sa napilitan lang. Nadala na ako sa mga pilitan na ganyan eh… ‘di masaya. Hahaha!

Lakbay Xiomai | Fujifilm X100
Fujifilm X100.

Ik’wento Pa Natin Ang eXes
Kaya lang naman ‘di ko nakuha yung X100 noong una pa lang kasi yung nakausap kong nagbebenta nun ay yung ex ng girlfriend ko. So kinailangan ko pang mangontsaba ng pwedeng bumili para sa akin — makikipag-meet ba. Kaso lang, yung araw na gusto-gusto ko nang magkaro’n ng X, hindi naman p’wede yung kakontsaba ko. Kinabukasan s’ya p’wede, pero hindi naman p’wede yung ex ni GF no’n. Kaya ayun, napilitan akong kuhanin yung X30 kakamadali. Dapat kasi nakinig na lang ako sa payo ng Sexbomb Dancers (and singers?), eh. Dapat natuto akong maghintay. Tutal sanay naman ako sa ganun. Hiks.

Kung ano ang nasa puso mo, sundin mo.
– Sexbomb Dancers (and Singers?)

Mabuti na lang at noong Friday, nakahanap ako ng buyer ng X30 at ibang seller ng X100! Pero bago pa ako nakahanap ng bagong seller ng X100, tinanong ko muna ulit yung ex ni GF kung available pa yung camera n’ya, sabi niya reserved na raw sa weekend. Sabi ko sayang kasi sure na kukuhanin ko ng Friday night na yun once matapos ang deal ko sa buyer ng X30. At sure din ako na i-meet s’ya dahil wala akong choice kasi hindi pwede ang kakontsaba ko. Pero mabuti na lang at may dumating na seller at sa kanya ako nakakuha. Although kaabang-abang sana ang mga pwedeng mangyari kung sakaling natuloy ang deal namin ng ex ni GF.

Nang kukuhanin ko na yung camera noong Saturday, nagtanong ‘tong ex ni GF kung makakapaghintay raw ba ako ng update sa camera n’ya kasi mukhang malabo yung kausap n’ya. Gusto kong replyan ng: “Matagal ko s’yang hinintay, tsong. Salamat.” Pero baka magtaka bakit ako nagpapasalamat. Hahaha!

Ang hassle ng tatlong araw na yun (pero walang-wala sa hassle ng unang tatlong buwan noong nilalandi ko pa si GF)! Haha! Pero I’m genuinely happy with my current camera, ang Fujifilm X100. Yung dati kasi, pilit. I meant yung naunang X, ah; yung Fujifilm X30. Hihi.

O heto ilang sample shots gamit ang X100:

Lakbay Xiomai - Fujifilm X100 | Simply Forgiven
Fujifilm X100 | Simply Forgiven
Lakbay Xiomai - Fujifilm X100 | Timbang-timbang.
Fujifilm X100 | Timbang-timbang.
Lakbay Xiomai - Fujifilm X100 | Dalandan
Fujifilm X100 | “A dalandan a day.” Repeat 100x.

Click on here for more photos shot with Fujifilm X100.

Yung sa X30, sa susunod na. Wala kaming mas’yadong masayang pinagsamahan.

*Hindi lahat ng tungkol sa X30 applicable sa ex ko, katulad na lang nito. HAHAHAHA!

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s